How To Make Leche Flan: ‘Yung Sweet na medyo Mapait

image

I love sweets. Oo! Kaya nga sweet rin akong tao, eh. Charot! Fine. Let loose muna ako ngayon at dedma muna sa pag-e-english sa aking blog. Anyway, balik tayo sa sweetness.

I promised the Michael that I’ll make him his favorite leche flan. The thing is, he doesn’t like my original leche flan. My version is the smooth and creamy one, like the one you could see at the back of Liberty kondensada can. I like that version, kinda like it melts in your mouth, sweet but not that sweet, uber delicious, to die-for piece of heaven. Sigh! That’s my kind of leche flan.

But noooo. Significant Other doesn’t like that kind of leche flan. What he digs for is the one with lots of holes in it. A bit hard, sweet, rough leche flan. I mean, really? But since mahal ko ang Lalaking Bukod Kong Iniibig, eh, ‘di go. I-revise and original recipe! And viola! Ito na ang kinalabasan:

So, how to make this kind of Leche Flan? Simple lang. Maghanda ng:

Recipe # 1: Bitter Leche! Flan

  1. 4 na itlog. (Apat lang, h’wag mo nang dagdagan pa. Hindi ba, dalawa na nga kayo sa buhay niya, masikip na ang mundo? Magpapadagdag ka pa?)
  2. 1 can kondensada. (‘Yung matamis. Tulad ng mga salitang binitiwan niya sa ‘yo. Kaya nga madali ka niyang napaniwala, ‘di ba?)
  3. 1 small can evaporada. (Oo! Maliit lang! Ganyan ang tingin niya sa ‘yo, hindi pa ba halata? Mag-contacts ka para makita mo.)

Procedure:

I-combine ang apat na itlog, kondensada at evaporada. Oo, ipagsama mong lahat. ‘Di ba, gan’on naman ginawa niya sa ‘yo? Ipinagsabay niya kayong dalawa?

image 2. Haluin nang mabuti. Mabuting-mabuti, ha. ‘Yung tipong hindi mo na ma-identify ang itlog at mga gatas. Parang mga kasinungalingan niya sa ‘yo, ‘di ba hindi mo na alam alin ang totoo at hindi?

image3. Samantala, kumuha ng puting asukal at i-caramelize ito. Ay, nakalimutan ko bang banggitin sa ingredients ang asukal? Oh, eh, ‘di ba sanay ka naman na nakakalimutan ka? Ilang monthsary at anniversary na ba ang nakalimutan niya? Birthday mo nga hindi niya naalala, eh. 

4. Ibuhos ang caramel sa llanera. Pagkatapos ay ibuhos ang egg and milk mixture. Oo. Sige lang. Ibuhos mo lang. Ilabas mo lang ‘yang mga luha mo. Natauhan ka rin, ano? Sige lang. Iiyak mo lang ‘yan. Pero pagkatapos niyan, itigil mo na ‘yan, ha.

image5. Takpan ang llanera gamit ang foil. Expert ka riyan, ‘te/kuya. ‘Di ba noon, lagi mong pinagtatakpan mga pagkakamali niya? Kung subukan mo naman kayang takpan ang sugatan mong puso? Heto, band-aid. Use wisely.

6. Ilagay sa steamer, sa ibabaw ng kumukulong tubig for one hour. ‘Yung kumukulong-kulo, parang dugo mo. ‘Yung tipong, feeling mo magkaka-alta presyon ka sa mura mong edad. ‘Yung tipong sagad na sagad na ang pasensya mo sa mga panloloko niya sa ‘yo?

image7. After one hour, kapag medyo firm na ito, luto na ito. Iwan muna sa counter at let it cool. Parang kayong dalawa ngayon, Cool-off.

8. Kapag nasa room temperature na, insert knife on side upang mahiwalay ang leche! flan sa llanera. Tama, hiwalayan mo na kasi!

image9. Transfer to plate and serve. ‘Di ba? Ano’ng pakiramdam ng malaya ka sa kanya? Masarap ‘di ba? Matamis, ‘di ba? Ayan! Sana natuto ka na!

image

Hahaha! Sorry naman po. Wala akong magawa. Heto na ang recipe, for real.

Ingredients: *Good for 1 big round pan, or 2 small pan

  1. 4 eggs
  2. 1 can condensed milk (any brand will do)
  3. 1 small can evaporated milk or 1 cup water
  4. White sugar for caramel

Procedure:

  1. Caramelize sugar. Once brown and sticky transfer to llanera.
  2. Combine 4 whole eggs, condensed milk and evaporated milk. Stir gently.
  3. Pour egg and milk mixture over llanera and cover with foil.
  4. Steam for 1 hour or until cooked.
  5. Transfer to plate and enjoy!

Total costs:

  • Itlog sa tindahan ni Aling Nena: 5 pesos each-20 pesos
  • Condensed milk: 29 pesos
  • Evaporated milk: 13 pesos
  • Sugar: roughly around 5 pesos if you buy per stick
  • Total cost: 67 pesos

Sa halagang 67 pesos, may napasaya ka ng hayop, este, tao! At achieve na achieve ko na ang mga butas-butas na gusto ni lab of my layp.

image

Kaya’t ready for packaging na at delivery! May kasama pang gayuma! Lol. Joke lang.

image

Masarap ba kamo? Heto ang ebidenysa. Iyan na lamang ang itinira para sa akin. Katakam-takam raw kasi. Naks!

image

Nawa’y may natutunan kayo sa aking panibagong blog post. Hanggang sa susunod. Paalam!

20160323_104430.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s