Love ka ni Lord

Naghahanap ka ba ng isang tunay na magmamahal sa ‘yo? ‘Yong mamahalin ka kahit walang kapalit? ‘Yong laging nariyan sa tabi mo masaya ka man o malungkot, o ‘di kaya ay laging handang makinig sa mga daing at problema mo? ‘Yong handa kang ipaglaban, at handang mamatay para sa ‘yo? Mahal ka, kahit noong umpisa hindi mo Siya mahal. Pero dahil matiyaga Siya na mapalambot ang puso mo, dahil mahaba ang Kanyang pasensya at marunong magpatawad, nahulog ka at na-inlove ka sa Kanya. Nagkasala ka, pero no’ng humingi ka ng tawad, pinatawad ka Niya agad at tinanggap.

Hays. Mapapa-sana all may gano’n sa buhay! Sa Wattpad at Dreame lang ata may gano’n.

Pero… lahat naman talaga tayo may gano’n sa buhay.

Nariyan si Lord na mahal na mahal ka kahit wala kang maiaalay sa Kanya. Nariyan si Lord na hindi ka iiwan, masaya ka man o may pinagdadaanan. Lagi Siyang handang makinig sa ‘yo. Lagi Siyang nariyan para palakasin ang loob mo at damayan ka tuwing nalulungkot o nasasaktan o heartbroken ka.

Naaalala mo pa ba, hindi mo Siya pinapansin noon. Napakatigas pa ng iyong puso! Pero, sadyang mahaba ang pasensya Niya at malalim ang pagmamahal para sa ‘yo; kaya hinintay ka Niyang lapitan mo Siya, hinintay ka Niya. Hindi ka Niya isinuko; ipinaglaban ka pa Niya! Ibinigay Niya ang buhay Niya para ikaw naman ang mabuhay.

Hindi ka pinapansin ng crush mo? Wala kang jowa, o lovelife? Hindi ka mahal ng jowa mo, ng asawa mo, ng mga magulang mo? Si Lord, mahal ka Niya! At kaninong pagmamahal ba ang pinakamatimbang sa lahat? Nakasulat sa Bible ang ebidensya ng Kanyang pagmamahal para sa ‘yo, para sa ating lahat.

Pawiin mo na ang mga luha mo. Huwag ka ng maiingit sa iba. Basta mahal ka ni Lord, wala ng mas wawagas pa roon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s